MAY mga artistang umaatras kapag mother roles ang lalabasan. Hindi sa kaso ni Beauty Gonzales ang housemate sa PBB teen edition ng 2008.

Beauty

“It’s not a big isyu para sa akin, it is just a job i have to do lalo na’t napapaniwala ko ang viewers na i am the mother ng tatlong bata on screen, blessing na mabigyan ako ng role eh bakit ko tatanggihan!, Besides im a practical person.”

Sa Hellcome Home ay ina si Beauty sa tatlong bata. Hindi ito ang first time na mother siya sa pelikula. Naging mother siya nina Diego Loyzaga at Enzo Pineda sa TV series Pusong Ligaw. Ganoon din sa Kadenang Ginto. Sa tunay na buhay she’s a mother to daughter Olivia.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Ang Hellcome Home ay special halloween offering ng Star Cinema ay wife siya ni Raymond Bagatsing at natira sa lumang bahay na isang haunted house.Ang PBB teen edition ang naging daan para maging artista si Beauty. Among the batch ay siya lang ang nagpatuloy sa showbiz at nagpapasalamat na sa kabila ng pagiging wife and mother ay patuloy ang suporta ng pamilya sa kanyang showbiz career.

-REMY UMEREZ