NAGULUHAN kami sa statement na ipinadala ni Atong Ang kay Henry Omaga-Diaz ng ABS-CBN, sinabi kasi nito na wala silang relasyon ni Nicole Barretto, pero may nabanggit na walang kinaalaman si Gretchen Barretto sa kanilang paghihiwalay.

Atong Ang Gretchen

Naku, basahin n’yo na lang ang statement ng controversial na si Atong Ang at kayo na ang bahalang magbigay ng opinyon.

“Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkasama kami ng mommy niya. Kung ano man ang relationship namin walang kinalaman si Gretchen.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino. May junket ako sa mga casino, si Tonyboy kasosyo ko sa Okada.

“Kung nagkahiwalay kami ni Nicole walang kinalaman si Gretchen. Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga-asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.

“Iyong relasyon ko kay Claudine, ako ang nag-ayos nang magkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro- yun lang ang naging relasyon namin.

“Si Nicole, pinag-aral ko ‘yan, ang nagtrabaho sa akin ‘yun nanay niya. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko.”

Mukhang marami pang isyu na darating sa mga Barretto, kaya tuloy ang pag-abang sa mga bagong update.

-NITZ MIRALLES