Matutupad ang pangarap ng unang grand winner ng Idol Philippines na si Zephanie Dimaranan na makasama ang idolo niyang si Sarah Geronimo sa kanyang first major concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa Nobyembre 28 na may titulong Zephanie at the New Frontier. Ididirek ito ni John Prats at si Raul Mitra naman ang musical director.

Kuwento ni Zephanie tungkol sa pagka-idolo niya kay Sarah G sa ginanap nitong presscon ay, “’yun po ang pinapangarap kong mangyari at ngayong mangyayari na kaya ang saya-saya ko po. Ever since po na bata palang ako, mga songs po niya ang pinapakinggan ko. Hindi naman po ako ‘yung tipo na nakakapanood ng mga concerts niya noon na pumupunta kung nasaan man siya, pero ‘yung love ko po, sa music niya talagang gustung-gusto ko po ‘yung mga music niyang pinangko-kontest ko po dati.

“Kaya ‘yung time na nakapasok ako sa The Voice, sobrang natuwa na umikot siya for me and sobrang love na love ko si ate Sarah at sobrang bait niya rin po sa amin.

Dagdag kuwento pa ni Zephanie ay pinuntahan niya ng personal ang Pop Princess.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Isang beses po nagkita po kami sa ASAP - sa dressing room niya po. Pinuntahan ko po siya. Tapos nag-congratulate po siya sa akin. Sabi niya na proud po siya.

Kuwento naman ng handler ni Zephanie na si Cynthia Roque, “I guess kasi anak-anakan niya si Zephanie sa Voice. Team Sarah kasi siya eh. And I think she meant what she said na she’s proud of Zephanie. Generous din naman siya. And nagkataon na available, ‘di ba?

“So we asked her if she can come in her behalf as well and she said yes. ‘Di namin kami nagdalawang salita. Even actually, Ate Reg (Regine Velasquez) sobrang generous niya. Kita naman natin kung gaano sila ka-busy. Si Ate Reg hindi rin kami nagdalawang salita.”

Isa pang dahilan kung bakit overwhelmed si Zephanie ay dahil kasama siya sa Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine sa Oktubre 18 at 19.

Bukod dito ay front act naman si Zephanie sa concert ni Brian McFadden ng Westlife na gaganapin sa Nobyembre 16.

Ang ibang guests ni Zephanie bukod kay Sarah G ay sina Erik Santos at Moira dela Torre. Kasama rin ang Idol Philippines top 4 na sina Lucas Garcia, Dan Ombao, Miguel Odron at Lance Busa, ang tumalo sa kanya sa The Voice na si Elha Nympha at Tawag ng Tanghalan winner na si Janine Berdin.

Ang Cornerstone concerts ang producer ng show ni Zephanie at mabibili ang tickets sa New Frontier Theater at Ticket Net Online or xall 8911-5555.

-REGGEE BONOAN