NAPIGILAN ng South Korea ang matikas na simula ng Philippine baseball team tungo sa 12-2 panalo sa 2019 Asian Baseball Championship nitong Huwebes sa  Taichung, Taiwan.

Maagang nagdiwang ang Filipino batters matapos ang solo home run ni Diego Lozano sa unang inning, ngunit nabigo ang Nationals na masustinihan ang mainit na opensa at naibigay ang 15 hits  tungo sa mercy rule  decision pabor sa Koreans.

NAGDIWANG ang Philippine baseball team matapos ang impresibong home run sa simula ng unang inning laban sa South Korea.

NAGDIWANG ang Philippine baseball team matapos ang impresibong home run sa simula ng unang inning laban sa South Korea.

Sumosyo ang Philippines sa China at South Korea, ngunit nalaglag sa No.3 spot ang Filipino batters bunga ng tiebreak sa naipamigay nilang 10 runs. Nabigo ang Pinoy na masundan ang impresibong 1-0 panalo laban sa China sa opening day.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ginapi ng Korea ang China, 5-4. Batay sa tournament rules, uusad sa super round ang dalawang mangunguna koponan sa bawat grupo.

Nalaglag ang Filipino batters sa podium finish at nakasama sa  consolation round  ang Hong Kong, Sri Lanka, and Pakistan.