KAHIT medyo late na para sa mga bata ang timeslot ng Starla ni Judy Ann Santos kasama sina Jana Agoncillo at Enzo Pelojero ay nanatiling mataas ang ratings sa pilot week at hindi nakaungos ang katapat nitong programa.

STARLA

Base sa national TV ratings (urban + rural) ng Kantar Media, naka-29.2% ang pilot episode nito noong Oktubre 7 at naka 14.5% lang ang The Gift.

Nitong Martes, Oktubre 8 ay hindi nagbago ang ratings ng Starla na 29.2% at bumaba naman ng point 1 ang The Gift na nagtala ng 14.4%.

Claudine Barretto, reunited sa pamilya ni Rico Yan

Consistent sa 29.2% ang Starla ng Miyerkoles, Oktubre 9 at bumawi naman sa 14.6% ang The Gift, pero talo pa rin sa nationa TV ratings.

Umabot na sa 29.8% ang Starla nu’ng Huwebes, Oktubre 10 samantalang bumaba ang The Gift sa 14.0%.

Marami kaming nabasang protesta na gustong agahan ang timeslot ng Starla dahil late na nakatutulog ang mga batang may pasok kinabukasan. Gusto ng viewers na pagpalitin ang oras ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Pero dahil consistent sa ratings game ang Starla ay tila malabong pagpalitin ang timeslot ng dalawang programa ng ABS-CBN at baka hindi rin pumayag ang advertisers.

Parehong pambata ang target audience ng Probinsyano pero sa ngayon ay umiikot ang kuwento para sa mga sindikatong tinutugis nina Cardo Dalisay (Coco Martin).

Anyway, sobrang na-miss din ng mga bata si Juday kahit kontrabida siya ni Starla at ito ang inaabangan ang engkuwentro nila ng batang alitaptap.

Ang Starla ay handog ng Dreamscape Entertainment at napapanood ito sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

-REGGEE BONOAN