MEDYO makakapahinga na si Phenomenal Star Maine Mendoza sa hataw na pagsu-shooting dahil today, October 15, ay red carpet premiere night na ng first movie team-up nila ni Carlo Aquino, ang Isa Pa With Feelings ng Black Sheep Productions at APT Entertainment, sa direksyon ni Prime Cruz.
Last Sunday, last promotion ni Maine ng movie nila ni Carlo sa Sunday PinaSaya na nag-judge siya, kasama si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Comedy Queen Ai Ai delas Alas, ng segment nitong “Hatawanan” na monthly finals na.
Sa Wednesday, October 16 ang opening ng movie in cinemas nationwide. At kasunod na nito ang mga naka-schedule nang block screenings na sa ngayon ay umaabot na raw ng 60. May mga schedules na rin sila ng international screenings ng movie.
Kaya si Maine, ang haharapin na ngayon ay ang pagtapos ng shooting ng Mission Unstapabol: The Don Identity na co-production venture ng APT Entertainment, Inc. at M-Zet Productions sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) this coming December. Isa itong family comedy picture na muling magkakasama sina Vic Sotto at Maine. Kasama rin nila sina Jake Cuenca at Arci Muñoz.
Ang movie ay isa sa first four movies na napili na ng MMFF Screening Committee na bubuo sa walong official entries ng MMFF 2019.
Ang iba pang napiling entries ay ang Miracle in Cell #7 na tampok sina Aga Muhlach at Bela Padilla, Momalland of ABS-CBN Film Productions, Inc. at Viva Films, na tampok sina Vice Ganda at Anne Curtis, at Sunod ng Ten17P Productions na tampok sina Carmina Villarroel, Mylene Dizon, Susan Africa at Kate Alejandrino.
Bukas, Wednesday, October 16, ang announcement ng four finished movies ng MMFF Selection Committee na bubuo sa walong official entries sa MMFF 2019.
-Nora V. Calderon