BUMALIK sa paggawa ng pelikula si Sen. Manny Pacquiao at ang gagawin nitong pelikula ay ang biopic na General Malvar na kung saan, gagampanan nito ang ang isa sa hero ng bansa na si Gen. Miguel Malvar.

Poster ng movie ni Sen. Pacquiao

BUMALIK sa paggawa ng pelikula si Sen. Manny Pacquiao at ang gagawin nitong pelikula ay ang biopic na General Malvar na kung saan, gagampanan nito ang ang isa sa hero ng bansa na si Gen. Miguel Malvar.

Sa nakita namin sa mala-poster ng movie, picture pa lang ni Sen. Manny ang nakalagay, naka-uniform at may balbas. Nakasulat din ang “The Biggest Ever Film Produced In The History Of Philippine Cinema.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Wala pang nakalagay kung sino ang mga makakasama ni Sen. Manny at ang director pa lang na si Jose “Kaka” Balagtas ang nakasulat.

Sa nabasa naming comments, tila mas marami ang hindi natutuwa sa movie project na gagawin ni Sen. Manny. Lahat na lang daw pinasok ng senador, pero kung matatandaan, gumawa na ng pelikula si Sen. Manny noong wala pa siya sa senado

-NITZ MIRALLES