BINIGYANG-DIIN ng Philippine Army sa Caraga Region ang gampanin ng mga kabataan sa patuloy na laban kontra sa rebelyon at terorismo.
Sinabi ni Maj. Francisco P. Garello, civil-military operations officer ng 402nd Infantry (Stringers) Brigade na nakabase sa Butuan City, na ang suporta ng mga kabataan “will widen the ongoing information drive of the government, its agencies, and the armed forces against the deception being hurled” ng Communist Party of the Philippines (CPP) at mga kaugnay nitong grupo, ang New People’s Army (NPA).
“The support of the youth sector is very important to counter the recruitments being done by the CPP-NPA and the manipulation they spread to communities,” pahayag ni Garello sa isang panayam nitong Lunes.
Ayon kay Garello, nakikipag-ugnayan na ang militar sa mga lokal na pamahalaan, para sa pagtutulungan upang mapalakas ang sektor ng kabataan sa rehiyon.
“We have started some major activity on this partnership such as the holding of Leadership Development Training (LDT) for our Sangguniang Kabataan (SK) leaders,” pahayag ng opisyal.
Pagbabahagi niya, una nang idinaos noong nakaraang linggo ang unang LDT training sa Jamboree Site, Barangay Alubihid, Buenavista, Agusan del Norte, na nilahukan ng mga pinuno ng SK mula sa iba’t ibang barangay ng Butuan City.
Sa nauna nang pahayag, sinabi ni Garello na layunin ng pagsasanay na “to empower the youth, enhance the leadership and community organizing skills, and instill awareness on the nature of the CPP-NPA-NDF and its deceptive infiltration strategy to the youth sector.”
Kabilang naman sa mga dumalo sa unang pagsasanay sina Butuan City Councilor Cromwel Nortega bilang kinatawan ni Mayor Ronnie Vicente Lagnada; Col. Cerilo C. Balaoro, Jr., deputy commander ng 402nd Brigade; Butuan City SK Federation President Wen Kok Chiang II; at mga kinatawan mula sa 23rd at 29th Infantry Battalion ng Army.
Sa nasabing pagsasanay, hinikayat ni Chiang ang mga kabataang lider na suportahan ang pagsusulong ng kapayapaan at pagpapaunlad na isinusulong ng Army.
Kinilala naman ng lokal na pamahalaan ng Butuan, ang kahalagahan ng pagsasanay bilang lunsaran upang maipakita ng mga lider ng SK ang kanilang potensiyal at kaalaman bilang lider ng mga komunidad.
Nagbigay rin si Balaoro sa mga kabataan ng mga impormasyon sa mga hakbang na isinasagawa ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga komunidad, partikular sa mga ikinokonsiderang bulnerableng sektor tulad ng mga kabataan at Indigenous Peoples.
“The CTG targets those sectors that are vulnerable and with issues they can exploit and use to agitate the masses. With this training, we aim to inform the participants on the true nature of the CTG and the youths’ role to contribute to the community peace-building,” ani Balaoro.
PNA