ALIW ang video post ni Heart Evangelista na bigla siyang naglaho nang over dinner nila ng husband niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero, tanungin siya ng “makano ang ginastos mo sa biyahe mo?”

Heart

Sa video, hindi sinagot ni Heart ang tanong ng asawa at piniling maglaho na lang. ‘Katawa rin ang caption nito sa video na “Ok na sana ang dinner namin kaso... good night.”

Kagagaling lang kasi ni Heart sa Paris Fashion Week para dumalo sa fashion shows ng different designers. Sigurado namang nag-shopping siya habang nasa Paris at recorded naman ang iba niyang pagsa-shopping ng shoes, bags at dresses.

Bago ang Paris Fashion Week, dumalo rin si Heart sa New York Fashion Week at tiyak, nag-shopping din siya in between.

Tsika at Intriga

Gil Cuerva, nagsalita na tungkol sa umano'y sex scandal niya

Natural lang sa asawa ang magtanong kung magkano ang nagastos ni Heart sa dalawang magkasunod niyang trip abroad. Sayang lang at hindi niya ipinaalam sa followers niya sa socmed kung ilang libong piso at baka milyon ang nagasta niya sa New York at Paris. Sabagay, walang isyu rito dahil sarili namang pera niya ang kanyang ginagastos.

-NITZ MIRALLES