MAY 116,779 likes na ang picture na ito ni Bianca Umali na naka-post sa Instagram (IG) niya at kabilang sa nag-like ay si Jimuel Pacquiao, anak nina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquaio at ex ni Heaven Peralejo.

BIANCA

May mga kinilig sa pagla-like ni Jimuel sa photo ni Bianca na nagsa-sunbathing at may caption na “en paz.” May mga nagsi-ship nga sa kanilang dalawa dahil alam nilang single na uli si Jimuel at nag-break na nga sila ni Heaven. Kaya lang, taken na si Bianca, paano ‘yun?

Speaking of Bianca, bukod sa napanalunang award sa Sinebata, entry din ng bansa sa 3rd Southeast Asia Video Festival angSahaya. Hindi lang nabanggit kung saan gaganapin ang contest.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Also on Bianca, may fans ang aktres na ayaw siyang makita sa mga sexy outfits, napapansin daw niyang laging labas ang cleavage ng aktres sa mga suot at may mga skin exposure ang mga suot.

Paalala sa fans ni Bianca, hindi na siya bata, she’s 19 years old na at nasa edad na para magpakita ng cleavage.

-Nitz Miralles