KINOPO ng bagong badminton sensation Solomon 'Monchie' Padiz,Jr. ng National University ang kanyang buwenamanong collegiate award na Rookie of the Year sa nagtapos kamakailang UAAP Season 82 Badminton Championship na humataw sa PNP Sports Center ng Camp Crane sa Quezon City.
Ang 18-anyos Sports Education freshman student na si Padiz ay hinataw ang kanyang prestihiyosong gawad mula sa pagtala ng 13-sunod na Impresibong panalo sa Team Tie preliminary round,7 sa men's singles at 6 sa men's doubles categories.
Tinampukan ng 2018 Philippine National Games Open gold medalist na si Padiz ang pagdurog nito sa beteranong karibal na so Keon Asuncion ng Ateneo de ManilaUniversity(2-0) via straight sets 21-9,21-14 sa game 2 finals na naging instrumental sa 6-peat tagumpay ng kanyang koponang NU Bulldogs sa Universities Athletic Association of the Philippines badminton event.
" Thanks God for everything,for giving me this new breakthrough in my badminton career," wika ng bagitong kampeon na mistulang nagpasiklab ng estilong - MVP sa serge.
"This RoY award inspires me more in my quest for glory in the coming SEAGames where I will represent our country in badminton event", saad pa ng batang Padiz na nagpasalamat at handog ang tagumpay sa kanyang teammates,mentors,Kay NU Bulldogs top brass Hans Sy Sta Rosa City Mayor Arlene Arcillas at ever supportive na amang di Solomon Padiz,Sr.-dating national athlete ng larong sepak takraw.
Matapos ang mabungang ksmpanya ni Padiz sa UAAP 82 ay kasalukuyang NASA marubdob ns close door training siya sa Indonesia bilang preparasyon sa kanyang 'mission possible sa SEAGames na papalo sa bansa sa Nobyembre-Disyembre ng taon.