MASAYANG ibinalita ng Undisputee Jukebox Queen Imelda Papin na 80 percent sold out ang mga tickets para sa kanyang 45 anniversary concert on October 26 sa Philippine Arena.

Apply titled IMELDA PAPIN Queen@45. Isa itong pagbabalik-tanaw at pasasalamat sa mga blessings na patuloy na dumarating sa buhay niya. Kung puwede nga lang na libre itong mapanood ng lahat ay gagawin ni Imelda.

Sa presscon ay naging emosyonal si Imelda ng sariwain niya ang mga panlalait na ibinato sa kanya when she was starting out. Kesyo ang isang probinsyanang tulad niya ay hindi sisikat sa larangan ng pagkanta.

She proved them wrong. She became a superstar sa Bangkok Thailand at binansagang Asia’s Sentimental Songstress. Pagbalik niya sa Pilipinas niyakap at tinanghal as the new singing sensation. As they say the rest is history.

Tsika at Intriga

Bea Alonzo, businessman na si Vincent Co, nagde-date?

Ang mga special guests ni Mel ay pawang mga kaibigan na hindi nagkaroon ng second thoughts na maging bahagi ng pagdiriwang. Most of them ay tagapagtaguyod ng OPM tulad nina Claire Dela Fuente, Eva Eugenio, Marco Sison, Pilita Corrales, Sonny Parsons at Victor Wood. Guest din ang millennial artist LA Santos who revived Isang Linggong Pag ibig na pinasikat ni Imelda.

All told, nakamit na ni Imelda ang halos lahat ng bagay materyal man and otherwise. Wala na ba siyang balak mag asawa?

“Sa dami ng ginagampanan kong trabaho ay hindi sumagi ang bagay na yan. Naka focus ako sa work and i dont need a husband to be complete. I am happy and fulfilled,”paliwanag ng nag iisang Imelda Papin.

-Remy Umerez