TINALO ni Philippine youngest Woman Fide Master  Antonella Berthe Murillo Racasa ang lahat na nakatungali para makopo ang gintong medalya sa elementary girls division ng Pasig City Association of Private School Administrators (PAPRISA) district chess meet  nitong Biyernes sa  St. Paul College-Pasig.

raca

Walang gurlis ang marka ni Racasa, Grade 6 pupil ng Home School Global, sa anim na laro ng Chess Standard Competition.

Ginapi ng 12-anyos na si Racasa sina Ariel Cayana, Reign Janilla Cacela, Christelle Abeleda, Krisna Louise Jose, Agatha Jane Bonafe at Kyle Jhazmin Clarito.

Sen. Go ukol kay VP Sara: 'Meron tayong working VP at hindi lang spare tire!'

Muling masisilayan si Racasa sa Pattaya Chess Club Open 2019 mula Oktubre 19 hanggang 30 na gaganapin sa Pattaya, Thailand.

Ang kanyang local at international chess campaign ay suportado nina Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, Councilor Charisse Abalos, Rotary Club Past President Rogelio Lim ng Boni Towers, Mam Rose Montenegro, Immediate Past President/CEO ng Makati Med at President/ CEO ng ALC Group of Companies, D. Edgard A. Cabangon.