“KAHIT na hindi pa siya mag-shades hindi ko pa rin siya kilala!” ito ang pahayag ng katoto nang makasalubong namin ang isa sa miyembro ng Bida Man na pababa ng hagdanan sa may entrance ng ELJ Building noong Setyembre 30 kung saan dumalo siya ng It’s Showtime Sampu Sample 10th anniversary.

Nag-aabang kasi kami ng grab at alas-siyete na ng gabi noon si Bida man ay naka-dark shades na akala mo bulag at tumuloy sa katapat na cafeteria.

Oo nga naman bakit nga naman kailangang mag-shades, e gabi na samantalang noong nasa loob naman siya ng Dolphy Theater ay hindi naman siya naka-shades.

Nagkabiruan tuloy ang mga katoto, “partida hindi pa ‘yan sikat huh! Wala pang name, hindi nga kilala pa, ganyan na umasta, e, di lalo na kung sikat na?”

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Tsk, tsk, tsk ito ‘yung sinasabi ng iba na nalulunod sa isang baso ng tubig.

Samantalang si Ion Perez na mas hamak na kilala kaysa sa mga Bida Man ay hindi naman ganu’n at higit sa lahat, mabait sa mga nakakasalubong at gustong magpa-picture sa kanya, ‘yun lang sadyang mahiyain talaga.

Kaya kung sinuman ‘tong Bida man na nakasalubong namin, pakilala ka muna o much better huwag na nga lang, hindi rin naman pala interesado mga katoto namin, ha, ha, ha, ha.

-Reggee Bonoan