Hiniling kahapon ng mga mambabatas ang pagsasagawa ng comprehensive vaccination ng Department of Health (DoH) upang hindi na kumalat pa ang nasabing sakit.
Sinabi nina Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento at Lanao del Sur Rep. Yasser Alonto Balindong, dapat na gumawa ng hakbang ang DoH upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.
“There is an urgent and dire need to prevent the spread of this disease,” sabi ni Sarmiento sa kanyang paghahain ng House Resolution No. 376.
Nitong nakaraang Setyembre 19, idineklara ng DoH ang polio epidemic nang maitala ang polio virus sa Lanao del Sur.
“Terminating the current existence of the disease in the country is not sufficient--the same shall likewise be prevented from ever recurring by employing all possible measures to hinder its recurrence and to educate the public about polio prevention,” sabi pa nito.
-Charissa M. Luci-Atienza