TACLOBAN CITY – Bugbog-sarado ang isang dalagita nang tumanggi umanong makipagtalik sa isang Amerikano sa Catbalogan City, Samar, kahapon.
Isinugod sa city health office ang biktimang si Rizalina (hindi tunay na pangalan), 17, ng Bgy. Canlapwas, ng nasabingn lungsod, dahil sa mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Arestado naman ang suspek na si Nader Haleem, 34, binata, taga-North Carolina, USA, at pansamantalang umuupa sa P3, Bgy. Canlapwas.
Bago ang insidente, inimbitahan ng suspek ang biktima na uminom sa inuupahang apartment nitong Martes ng hatinggabi.
Matapos ang dalawang oras ay nagpaalam na ang biktima na umuwi.
Gayunman, binawalan umano ito ng suspek at binantaan na papatayin kung hindi ito papayag na makipagtalik sa kanya.
Dahil dito, binugbog ito ni Haleem kaya tumakas ito at nagsumbong sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.
-Marie Tonette Marticio