SENTRO  ng usapin sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayon ang basketball at volleyball  sa National Press Club sa Intramuros,  Manila.

TOPSLOGO

Ilalahad ni multi-titled coach Ato Tolentino ang kanyang mga plano bilang bagong katatalagang head coach ng Wang's Ballclub sa pag-usad ng susunod na PBA D-League.

Bilang champion coach sa NCAA at NAASCU, pinalitan ni Tolentino si Pablo Lucas, hindi na papayagan pang gumabay 'for life' sa National Basketball League (NBL).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dadalo rin sa lingguhang sports forum ang  Community Volleyball Association (CVA) teams Gracel Christian College Foundation-Taguig at St. Mark's Intiture of Las Piñas na inisponsoran ng Philippine Sports Commission,  National Press Club,  PAGCOR,  Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Ipapaliwanag nina Gracel Christian Sports Director Judel Guiraldo, team captain Kat Galledo at Akisha Saberon at St. Mark's Institute head coach Owen Patdu,  team captain Aizzelle Patdu at Irish Claire Labay, ang kanilang mga tsansa sa CVA season na nakatakda sa Oktubre 28.

Makakasama ng mga opisyal sa koponan sina CVA tournament director Alvin John Tañada at deputy director Marge Tejada. Ang weekly sports forum ay mapapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream.