Mga Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- NorthPort vs Columbian

7:00 n.g. -- TNT KaTropa vs Phoenix Pulse

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

TARGET ng TNT KaTropa na masungkit ang ikatlong sunod na panalo para makisosyo sa liderato sa pakikipagtuos sa Phoenix Pulse ngayon sa  PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Puntirya ng KaTropa na masustinihan ang matikas na simula at pigilan ang Fuel Masters na makasingit para sa isa pang malaking panalo sa kanilang duwelo ganap na 7:00 ng gabi.

BULAG KA BA! Kinompronta ni UP coach Bo Perasol ang referee hingil sa ‘no-calls’ na nakasira sa momentum ng Maroons sa laro laban sa Ateneo Blue Eagles. Pinatawan siya ng tatlong larong suspensyon ng UAAP. RIO DELUVIO

BULAG KA BA! Kinompronta ni UP coach Bo Perasol ang referee hingil sa ‘no-calls’ na nakasira sa momentum ng Maroons sa laro laban sa Ateneo Blue Eagles. Pinatawan siya ng tatlong larong suspensyon ng UAAP. RIO DELUVIO

Magtututos sina rookies CJ Perez at Robert Bolick sa unang pagkakataon matapos magkatuwang na sinandigan ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa pagtutuos ng Columbian at NorthPort ganap na 4:30 ng hapon.

Muling sasandig ang TNT kay dating NBA player KJ McDaniels na matikas sa unang dalawang laro tangan ang average na 39.0 points, 17.5 rebounds, 6.0 assists, 1.5 steals at 5.0 blocks kontra sa Blackwater at Rain or Shine.

Iginiit naman ni coach Bong Ravena at active consultant Mark Dickel na kailangan nito ang tulong ng locals na sina Jayson Castro, Troy Rosario, RR Pogoy at Don Trollano para maibsan ang scoring load ng kanilang import.

Hindi naman pahuhuli ang Phoenix na nakapagtala ng 103-101 upset win kontra crowd favorite Barangay Ginebra San Miguel, 103-101, nitong Sabado.

Naisalpak ni Matthew Wright ang jumper may 5.1 segundo ang nalalabi para sa winning score at sa unang panalo ng Phoenix matapos ang 0-2 simula.

Hataw din si Fuel Masters resident import Eugene Phelps na may  averages 35.3 puntos, 17.7 rebounds at 6.0 assists.

Marivic Awitan