TUMATAAS ang kalidad ng eSports sa bansa at kabilang ang Pilipinas sa binabantayan na viable gaming and eSports market, Taiwan’s ICT industry para higit na mapalawak at mapaunlad ang pinakabagong sports na lalaruin sa 30th Southeast Asian Games.

Ilalarga ang 2019 Taiwan Excellence eSports Cup sa October 4-6 sa The Block Atrium ng SM City North EDSA. Naghihintay ang kapana-panabik na tunggalian ng mga pinakamahuhusay na eSports athletes sa bansa na sasabak sa pamosong Counter-Strike: Global Offensive (CS:GO) at League of Legends (LoL) na lalaruin sa mga kagamitan at electronic gadgets na itinampok sa Taiwan Excellence.

Inorganisa ng Bureau of Foreign Trade (BOFT) at Taiwan External Trade Development Council (TAITRA), sa pakikipagtulungan ng Asus Republic of Gamers, Aorus, AVerMedia, In-Win, Kingmax, Transcend, XPG, Team Group, Zadak, G.Skill, at Zyxel, matutunghayan din sa tatlong araw na torneo ang mga makabagong PC gaming devices at accessories mula sa Taiwan.

Matutunghayan ang top-caliber gaming mula sa Asus Republic of Gamers (ROG), ang fficial gaming PC provider ng 2019 Taiwan Excellence eSports Cup, kabilangang ROG Strix Scar III G531, ROG Strix G G731GV, Asus TUF Gaming FX505DV, at ROG Zephyrus M.
National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM