HABANG papalapit sa pagtatapos ang NCAA Season 95 Men’s Basketball Tournament, kinakailangang magpakita ng katatagan bilang isa sa mga lider ng team si Jaycee Marcelino para sa Lyceum of the Philippines.

Ilang araw bago ang laban nila sa Letran para sa second spot, hindi nakakadalo ng kanilang ensayo ang senior guard dahil sa trangkaso.

Ngunit, hindi ito dahilan para kay Marcelino.

“It’s about living in the moment, no excuses. Like itong si Jaycee, he only returned yesterday after sitting out five days of practice,” pahayag ni Lyceum coach Topex Robinson. “He played his heart out today and that’s a testament to the dedication of this kid to this team.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kahit walang ensayo, siniguro ng 23- anyos na si Marcelino na mapapamunuan niya ang Pirates tungo sa panalo.

Nagposte siya ng 25 puntos, dalawang rebounds at dalawang steals upang muling ipanalo ang Pirates kontra Knights,97-90.

Natulungan din nya ang koponan na magkaroon ng isa at kalahating larong agwat sa Letran sa team standings.

“Pinagalitan ako ni coach,” ani Marcelino. “Nakikita ko kasi sa mga kakampi ko sa bench na hindi sila sumusuko. Paano pa kaya ako na nasa court kaya nagdoble effort ako nung second half para sa kanila.”

Dahil sa kanyang performance, napili si Marcelino bilang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week.

Tinalo niya para sa lingguhang citation sina Mapua guard Laurenz Victoria, San Beda Red Lion James Canlas, Kriss Gurtiza ng Emilio Aguinaldo College at Arellano big man Justin Arana.

-Marivic Awitan