HINDI lang ang coaches ng The Voice Kids Season 4 na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo at Bamboo ang pinabilib ng Believer trio nina Kurt, JohnRey at Ian sa Battle Grounds kundi ang halos lahat ng avid televiewers nang nasabing kids singing contest including us. Amazing ang boses nang tatlong bagets sa true lang. May kanya kanya silang tono sa pag-awit. Na pawang magagaling nang isa-isa nilang binirit ang kantang Believer ng Dragon Images in pernes.

Sarah, bamboo, at Lea Kurt, johnrey, ian

Na sabi nga ng isa sa hosts ng TVK 4 na si Toni Gonzaga ay “Astig” performance nang tatlo. Si Lea Salonga nga ay napa-standing ovation pa.

After ng performance nang tatlo ay unang nag-comment si Coach Bamboo by saying…

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

“Boys, congratulations…that was hot! Right everybody? (tanong nito sa lahat that night sa audience). May point sa kanta…lahat kayo parang may ginawa, eh. Like Kurt, pagdating sa rap talagang Ogie na Ogie…simpleng simple lang na Oooohh….that flaw! Kay JohnRey naman the power yung naririnig ko, noh…that certain sections, ino-on niya yung mga lines. Si Ian yung composure niya, yung experienced nakikita ko talaga at yung consistency , ‘yun na.

“Si Ian para sa akin ang umangat sa kanilang tatlo, ” he even added.

“Lahat talaga kayo nag-shine at lumaban lahat. Pero kung pipili ako sa inyo, ng isa lang sa inyo….si JohnRey. Bumagay kasi sa kanya yung song, eh. Yung composure…parang easy lang niya ginawa kahit na ang hirap nu’ng kanta, ganun,” ang sey naman ni Coach Sarah.

Ang final sey naman sabi ni Toni Gonzaga ay manggagaling naman kay Coach Lea Salonga.

“Ang masasabi ko lang sa inyong tatlo, ang gagaling ninyo. Ang galing ninyong mag-pik up, ang galing ninyong making, at napakasaya ko lang bilang isang Coach at talagang napakalaking pasalamat ko na lang at kayo ang natagpuan ko at kayo yung naging makakasama ko.”

Na siyempre, palakpakan ang lahat ng nasa audience at ang tatlong bagets naman ay todo ang pasasalamat sa kanilang Coach Lea.

-Mercy Lejandre