NAGPAHAYAG ng kanilang pakikiramay ang Philippine Canoe Kayak and Dragon Boat Federation (PCKDBF) hinggil sa trahedyang naganap kahapon na ikinasawi ng pitong miyembro ng Boracay Dragon Boat team habang nagsasanay.
“It’s a sad loss for the sport,” pahayag ni PCKDBF president na si Jonne Go. “I extend my condolences to their families,” dagdag pa niya.
Bagama’t hindi mga miyembro ng national dragon boat team ang mga nasawing mieymbro ng Boracay Dragon Boat team, ay malungkot pa rin umano ayon kay Go, gayung dalawa dito ay sumubok na mapabilang sa national team kamakilan, na nagpakita ng galing at potensyal upang maging bahagi ng nasabing koponan.
“They were friends of ours and the Boracay team are club members,” ani Go.
Isang malaking delubyo sa dagat ang tumabon sa 20-seater Dragon Force boat na may karga sa mga biktima at sa 14 pang kasama habang nagsasanay para sa nalalapit na international competition.
Ang insidente ay nangyari may tatlong daang metrong layo buhat sa pampang ng Tulubhan Bay sa Barangay Manocmanoc.
kalmado umano ang karagatan nang umalis ang tropa sa Barangay Bulabog, matapos na magtipon ganap na alas-6:30 ng umaga kamakalawa, at sumakay ng bangka ng alas-7:15 ng umaga, ngunit kasunod nito ay malalaking alon na diumano ang humampas sa kanila na naging sanhi ng pagkakaroon ng tubig ng bansa, ayon sa isasa 14 na nakaligtas.
Dahil dito, lumubog ang bangka habang nakakapit ang mga paddlers dito, ngunit nakabitiw din sanhi ng malalaking alon na tumabon sa kanila.
Ikinalungkot din ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pangyayari at nagpaabot ng kanyang taos-pusong pakikiramay si PSC chairman William “Butch” Ramirez.
“PSC and the Board expressed their sympathies. It is a tragic loss,” ani Ramirez.
-Annie Abad