TILA nakatanaw ng liwanag sa dulo ng kadiliman ang PBA career ni Calvin Abueva matapos itong bigyan ng clearance ng PBA Commissioner’s Office upang makasama at makadalo sa mga ensayo ng Phoenix Fuel Masters sa kabila ng umiiral pa ring indefinite suspension sa agresibong player.

NANGIBABAW ang lakas ng San Beda Lions sa EAC Generals sa NCAA men’s basketball.  (RIO DELUVIO)

NANGIBABAW ang lakas ng San Beda Lions sa EAC Generals sa NCAA men’s basketball.
(RIO DELUVIO)

Base sa naunang ulat, nakipagkita si Abueva kay PBA Commissioner Willie Marcial nitong Lunes kung saan pinayagan siyang makasama sa ensayo ng koponan.

“Magandang balita ito para sa amin,” pahayag ni Phoenix coach Louie Alas na na hindi naitago ang naramdamang kasiyahan tungkol sa pinakabagong development para sa kanilang star player kahit kagagaling pa lamang nila sa pagkatalo sa una nilang laban sa kamay ng San Miguel, 119-130 sa ginaganap na Governors Cup noong Miyerkules ng gabi.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tatlong buwan na ang nakakaraan mula ng patawan si Abueva ng indefinite ban matapos ang magkasunod na gusot na kanyang kinasangkutan una sa nobya ni Blackwater rookie Bobby Ray Parks, Jr., at kay dating TNT import Terrence Jones noong nakalipas na Commissioners Cup.

Kasunod nito, lalo syang naging kontrobersyal matapos masapubliko ang bangayan nila ng kanyang asawa at mahuling naglaro sa isang ligang labas.

Bagama’t wala pang linaw kung kailan ganap na makakabalik sa aktibong paglalaro si Abueva, natutuwa ang kanyang coach sa pangyayari na posible aniyang panimulang hakbang patungo sa tamang direksiyon.

“At least ngayon kahit paano may natatanaw ka nang liwanag doon sa dulo ng tunnel,” ani Alas. “Noon talagang confused kung anong susunod na mangyayari.”

-Marivic Awitan