HINDI man sa 2020 Tokyo Games, buo ang kumpiyansa ni Senator Lawrence ‘Bong’ Go na makakamit ng atletang Pinoy ang pinakamimithing gintong medalya sa Olympics – sa lalong madaling panahon.

IPINAGKALOOB nina (mula sa kaliwa) Games and Amusement Board (GAB) Commissioner Mar Masanguid, Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, at Eduard Trinidad ang ‘plaque of appreciation’ kay Senator Bong Go sa ginanap na 1st Philippine Professional Sports Summit sa PICC.

IPINAGKALOOB nina (mula sa kaliwa) Games and Amusement Board (GAB) Commissioner Mar Masanguid, Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, at Eduard Trinidad ang ‘plaque of appreciation’ kay Senator Bong Go sa ginanap na 1st Philippine Professional Sports Summit sa PICC.

At bilang paniniguro, suportado ni Go ang lahat ng programa at isinusulong na batas para mapalakas ang grassroots sports program para sa atletang Pinoy.

Isinulong ni Go ang Senate Bill No. 397 o ang pagtatayo ng National Academy of Sports for High School (NASHS).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It will serve as the premier training center to develop the athletic skills and talents of high school students. Nakakuha nap o tayo ng lugar para dito sa Clark City in Capas, Tarlac,”

“Ito po ang pangako natin at hanggang nakaupo si Pangulong Duterte at hanggang ako po ay Senador, makaaasa po ang sambayanan ng tulong para sa sports development,” sambit ni Go.

Sa estado ng professional sports, iginiit ni Go na kumpiyansa siya sa liderato ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa Games and Amusement Board (GAB) at kinatigan ang anumang programa ng ahensiya para masiguro na pawang world-class athletes ang malilikha ng bansa.

“Mahusay po ang ating GAB Chairman. Matagal na po namin siyang kilala at yung passion niya sa sports at hindi mapapantayan. Kami po sa Senate ay handang tumulong para sa anumang programa ng GAB, maging sa pagdagdag ng kailangang pondo,” pahayag ni Go, Chairman ng Senate Sports Committee, sa panayam sa isinagawang 1st Philippine Professional Sports Summit kamakailan sa PICC.

Kasama niyang nakiisa sa Sports Summit si Senador Sonny Angara na kinatigan ang mga pahayag ni Go para masiguro ang tagumpay ng atletang Pinoy at pag-unlad ng professional sports sa bansa.

“We in the Senate are ready to help the professional sports, the horse racing industry and the development of e-Sports. Kung ano ang nais ng GAB handa kaming makinig at sumuporta,” sambit ni Angara.

Nakiisa sa natatanging programa sa pro ranks ang PBA, at 12 pang sports na umaarya na sa professional level tulad ng cycling, muaythai, billiards, football, triathlon, at MMA.

-Edwin Rollon