Sisimulan ngayong araw na ito ang Philippine Sports Commission (PSC) National Coaches Certification P na gaganapin sa University of the Philippines (UP) Mindanao, Bago Oshiro, Tugbok District, Davao City na magtatapos sa Setyembre 29.
Ang nasabing seminar ay katatampukan ng mga kilalang speakers buhat sa iba’t ibang espesyalidad upang magbigay ng kanilang ambag na karunungan para sa nasabing paksa.
Magmumula ang mga partisipante buhat sa pampubliko at pampribadong paaralan, kung saan mismong si Dr. Karen Katrina Trinidad, Ph.D., RPsy, ng PSC-Philippine Sports Institute Medical Services and Sports Science Sports Psychology Unit Head, ang magtatalakas sa kahalagahan ng sports psychology sa mga atleta.
Si Professor Josephine “Joy” Reyes, ng PSC-PSI MSSS Sports Physiology Unit head, naman magtatalakas ukol sa sa sports physiology habang si Dr. Robert Paul Jurado, ang magsasalita ukol sa sports etics.
Si PSC-PSI National Director for grassroots sports development program na si Prof. Henry C. Daut, ay ibabahagi ang kanyang karunungan sa sports philosophy and sports pedagogy habang si PSC-PSI MSSS Sports Physiology Unit sports specialist na si Prof. Luis Serafin Cosep ang magpapaliwanag naman ukol sa talent identification.
-Annie Abad