WALA si Sisi Rondina, walang problema sa University of Santo Tomas.

IMPESIBO ang UST beach belles, sa kabila ng pagkawala ni star player Sisi Rondina.

IMPESIBO ang UST beach belles, sa kabila ng pagkawala ni star player Sisi Rondina.

Sinimulan ng Tigress Spikers ang kampanya – sa bagong tambalan nina Babylove Barbon at Gen Eslapor – sa impresibong 21-11, 21-6 panalo kontra Rosie Rosier at Euricka Eslapor ng University of the Philippines sa UAAP Season 82 Women’s Beach Volleyball Tournament nitong Linggo sa Sands SM By The Bay.

Sa presensiya ni Rondina, naitatag ng Tigresses ang beach volleyball dynasty, sa napagwagihang apat sa limang Finals.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Kung ano ang experience na nakuha namin sa mga off-season leagues, yun ang ina-apply namin,” pahayag ni Barbon, pambato ng Quezon, Bukidnon at kasannga ni Eslapor sa Philippine Team na sumabak sa FIVB Beach Volleyball World Tour nitong Mayo sa Boracay.

Umusad din ang tambalan nina Tin Tiamzon at rookie Justine Jazareno ng La Salle kontra National University’s Andrea Abian at Chlea dela Fuente, 21-11, 21-4.

Nakauna rina ang Far Eastern University duo nina Sheila Mae Kiseo at Sheena Gallentes kontra Ateneo’s Ponggay Gaston at rookie Roma Mae Doromal, 22-20, 17-21, 15-12.

Nagwagi naman sina Kring Uy at Chen Ave ng Adamson University kontra Lyen Ritual at nagbabalik na si Juliet Catindig ng Ateneo, 13-21, 21-13, 15-7.

Taliwas sa nakagisnan na idinedeklarang kampeon ang koponan na nagwagi ng 7-0 marka sa elimination round, dadaan ngayon sa Final Four ngunit tangan ng walang talong koponan ang ‘twice-to-beat advantage’ sa semifinals.

Ang championship round ay best-of-three series.

-Marivic Awitan