PUSPUSAN na rin ang paghahanda ng bansa sa 2020 ASEAN ParaGames na nagtatanpok sa mga atletang may kakulangan sa physical na katauhan at ginaganap matapos ang Southeast Asian Games.

Ang biennial meet para sa regular athletes ay nakatakda sa Nobyembre sa New Clark City at satellite venues sa Subic, Muntinlupa, Tagaytay City, Batangas at Manila.

Buo ang suporta ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa Philippine ASEAN Paralympic Games Organizing Committee (PHILAPGOC) na siyang magiging punung-abala para sa preparasyon ng naturang hosting.

Kabuuang 2,500 atleta, kasama na ang mga coaches at officials ang inaasahang bibisita sa bansa para sa torneo na nakatakda sa Enero 18-25, 2020.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Sinabi ni PSC chairman William “Butch” Ramirez na naglaan ng kabuuang 100 milyong piso ang gobyerno bilang pondo ng nasabing hosting, bukod pa sa mga makakalap na tulong para sa paghahanda.

“We will support them because, like the SEA Games, this is also a national commitment. Good governance of sports associations is important, and the PSC will use its supervisory and visitorial rights on these associations to make sure that proper management is in place since public funds are being given to them,” ani Ramirez.

Ito ang ikalawang pagkakataon na magho host ang Pilipinas ng multi-sports event para sa atleta na may kapansanan o differently-abled athletes. Huling naging host ang bansa noong 2005, para sa 3rd ASEAN Paragames kasabay ng pagiging punung-abala din sa nakaraang 23rd SEA Games.

-Annie Abad