MAY malaking pag-asa ang Pilipinas sa sport na arm wrestling.

PINANGASIWAAN ni Arniel Gutierrez (gitna), pangulo ng Philippine Arm Wrestling Federation, ang basic style sa pinakabagong sports na tiyak na susubaybayan ng sambayanan. Sina Edwin Lingas at James Ben (kanan) ang dalawa sa pamosong atleta ng sports sa kasalukuyan.

PINANGASIWAAN ni Arniel Gutierrez (gitna), pangulo ng Philippine Arm Wrestling Federation, ang basic style sa pinakabagong sports na tiyak na susubaybayan ng sambayanan. Sina Edwin Lingas at James Ben (kanan) ang dalawa sa pamosong atleta ng sports sa kasalukuyan.

Sa katunayan, madami ng Pilipino ang nahuhumaling sa nasabing sport bago pa man naitatag ang Philippine Arm Wrestling Federation (PAWF).

Ito ang kwento ni PAWF president Arniel Gutierrez sa kanyang pagdalo sa 40th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Matagal na itong sport ng arm wrestling. Madami na ring mga kalalakihan ang lumalahok hindi lang sa mga kumpetisyon dito kundi pati na sa ibang bansa,” pagsasalaysay ni Gutierrez sa naturang weekly sports forum na sinusuportahan din ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

“Sa pamamagitan ng aming bagong tatag na PAWF, na siyang mangangasiwa sa naturang sport, umaasa ako na lalo pang sisikat ang arm wrestling sa ating bansa,” pahayag ni Gutierrez.

Batay sa mga ulat, unang sumikat ang arm wrestling dito sa bansa nun ipalabas ang pelikulang “Over the Top” na premyadong actor na si Sylvester Stallone.

“Sa katotohanan, madami na ding mga arm wrestling competitions sa ibang panig ng Southeast Asia. Madami na ding lumalahok na Pilipino at madami na ding nanalo,” saad ni Gutierrez. Sa kasalukuyan, naghain na ng applikasyon si Gutierrez para sa PAWF para magkaroon ng kaukulang basbas ng Philippine Olympic Committee (POC).

“Hinihintay na lang namin ang sagot ng POC bago namin tuluyang ilunsad ang mga programa namin sa PAWF. Maganda naman ang resulta ng aming pakikipag-usap sa kanila,” dagdag pa ni Gutierrez.

Gayunman, malungkot na inihayag ni Gutierrez na hindi napabilang ang arm wrestling sa mga sports sa darating na SEA Games.

“Medyo kinapos na ng panahon para maisama ito sa SEA Games.”

Kasamang dumalo ni Guierrez sina James Ben at Edwin Lingad, dalawa sa mga magagaling na arm wrestlers ng bansa.