NAKARATING na sa mga hosts ng It’s Showtime, ang pang-ookray ng isang netizen na si Aen Macapagal, sa mga suot nina Vice Ganda, Anne Curtis, Karylle, Vhong Navarro sa kanilang pag-attend sa gabi ng ABS-CBN Ball na ginanap sa Shangri-La, Taguig, last September 14, Sabado.

anne Vice ganda

Nitong Monday, September 16, sa episode ng noontime show, tinawanan na lamang ng mga hosts ang “okray” comments on each of their outfits na pinanood ng million viewers Online.

Vice Ganda echoed some of the comments he read online, which Aen says, “ (Vice) graces the ball with an antique pillow mula sa bahay ng pinakamayaman mong Tita.Her modern take on the classic terno sleeves appears to pay homage to our beloved lumpia wrapper before mapaghiwalay gamit ang puting itlog. Pinuna rin ni Aen ang suot nitong gown na parang “anti-dengue” net.

Tsika at Intriga

Niligwak daw sa TNT: ABS-CBN, It's Showtime pinaratangang credit crabber dahil kay Sofronio

Inokray din si si Anne na ayon kay Aen,” looks in an old school glam look wearing her lilac gray sheer terno with oversized manggas(sleeves) na pang-kumpisalan. Bless me father for i have sinned ‘pag lumapit ako mabibigyan ako ng tatlong hail mary.

Habang si Vhong nama’y ikunumpara na parang isang mascot Jollibee.

Mensahe ng host sa last Monday episode, “Hindi na ako a-attend next year! Ino-okray lang ‘yung mga damit,” pabirong ganti ni Vice. “Ang hirap kaya mag-fitting, mga sira ulo kayo!”

“Ang bigat-bigat nung binibitbit kong gown, ta’s in-okray-okray lang!” dagdag pa niya. “Nakakaloka!”

-Ador V. Saluta