UNTI-UNTI, nadarama ng mga karibal ang lakas at determinasyon ng University of the Philippines Maroons.
Sa kabila ng matikas na pagbangon ng National University Bulldogs sa final period, determinado ang Maroons na patunayan ang pagiging title contender nang ungusan ang karibal 80-79 kahapon sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa MOA Arena.
Nagawang maibaba ng Bulldogs ang 14 puntos na bentahe ng Maroons sa second half, subalit nagpakatatag ang Maroons para maisalba ang panalo.
Pinangunahan ni Dave Ildefonso ang ratsada ng Bulldogs, tampok ang three-pointer na nagtapyas sa bentahe ng Marrons sa isang puntos may 11.6 segundo ang nalalabi.
Sumablay ang dalawang free throw ni David Murrell, sapat para maagaw ng Bulldogs ang panalo, subalit sumablay ang 15-foot jumper ni John Lloyd Clemente sa final buzzer.
“We need to learn how to close out games as a team. That’s a process,” pahayag ni coach Bo Perasol.
Nanguna si Kobe Paras sa UP na may 25 puntos, anim na rebounds, at dalawang assists para sandigan ang Maroons sa 3-1 karta.
Kumabig si Bright Akhuetie ng double-double -- 19 puntos at 12 rebounds – habang kumikig si Javi Gomez de Liano ng 17 puntos mula sa 5-of-7 shooting sa three-point area.
Sadsad ang Bulldogs sa 4-0.
Nanguna si Ildefonso led NU with 25 points, five rebounds, and two assists in another failed heroic try.
Humirit si Senegalese center Issa Gaye na may 13 puntosm 13 boards, at isang block, habang tumipa si Shaun Ildefonso na may 13 puntos.
-Marivic Awitan
Iskor :
UP (80) -- Paras 25, Akhuetie 19, Ja. Gomez de Liano 17, Tungcab 6, Manzo 4, Rivero 4, Longa 3, Murrell 2, Ju. Gomez de Liano 0, Gozum 0, Jaboneta 0, Prado 0, Spencer 0.
NU (79) -- D. Ildefonso 25, Gaye 13, S. Ildefonso 13, Gallego 9, Joson 8, Minerva 7, Clemente 2, Mosqueda 2, Diputado 0, Galinato 0, Malonzo 0, Oczon 0, Tibayan 0, Yu 0.
Quarterscores: 18-23, 44-36, 67-59, 80-79.