MAGLALABAN-LABAN na sa Sabado (September 21) ang mga resbaker o mga wildcard constestant at sa susunod na Sabado naman (September 28) ang pinaka-aabangang grand finals.

Pinaka-unang hinirang si Kim Nemenzo ng Visayas na resbaker na nakasali sa grand finals noong Lunes (Set. 16) ng makakuha ng gradong 100% mula sa mga boto ng mga madlang people. Sa mga nalalabing araw ngayong linggo, kailangang maprotektahan ni Kim ang kanyang korona na magbibigay sa kanya ng kapangyarihan na pumili ng tatlong “resbakers” na maglalaban-laban sa isang three-way vocal showdown. Ang mananalo ang kanyang makakaharap sa isang head-to-head battle upang malaman kung siya pa rin ang mananatiling kampeon o kung patataubin siya ng isang bagong kampeon.

Matatapos ang resbakan sa Setyembre 21, at ang final contender ang kukumpleto sa 13 grand finalists, at tutuloy sa isang linggong grand finals o ‘huling tapatan’ sa Setyembre 23 (Lunes).Sino sa mga final resbakers ang mabibigyang pagkakataon upang makatapat sina grand finalists Elaine Duran, Ranillo Enriquez, John Mark Saga, John Michael Dela Cerna, Charizze Arnigo, Jonas Oñate, Violeta Bayawa, Julius Cawaling, Shaina Mae Allaga, Rafaello Cañedo, Mariko Ledesma at Jermaine Apil?Mag-uuwi ang pinakabagong Tawag ng Tanghalan grand champion ng brand new house and lot, isang livelihood package, family vacation package, management contract sa ABS-CBN, recording contract sa ilalim ng TNT Records, at P2 milyon.

Wag palampasin ang labanan ng mga boses at pangarap sa Tawag ng Tanghalan, sa noontime variety show na It’s Showtime, Lunes hanggang Sabado sa ABS-CBN.

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin