BUMAWI mula sa malamyang panimula ang Easytrip upang mapataob ang Lyceum of the Philippines University, 17-25, 25-15, 25-17, 25-23, nitong Martes sa 2019 Spikers’ Turf Open Conference sa Paco Arena.
“Masyadong disorganized nung first set e, parang hindi pa ready. Ang advice ko lang sa kanila, ‘we better start na maglaro ng maayos. Hindi dahil collegiate, ganun ganun lang. Niremind ko lang sila na kailangang ilabas nila yung laro nila,” pahayag ni Easytrip head coach Jose Roque.
Nagtala si Jerico Jose ng 13 puntos upang pamunuan ang Road Spikers sa pag-angat sa 2-1 panalo-talong marka kasalo ng Eco Oil-DLSU sa third spot ng Group B.
-Marivic Awitan