GINANTIMPALAAN ang Masungi Georeserve sa probinsya ng Rizal ng isang international recognition para sa sustainable tourism practices nito sa taunang World Tourism Organization (UNWTO) Awards sa Saint Petersburg, Russia, kamakailan.
Isa sa mga nominado ang Masungi Georeserve noong nakaraang taon bilang global finalist para sa UNWTO Awards for Enterprises, ang premyadong gantimpala ng global tourism sector, kasama ang dalawa pang finalists mula sa Italy at India.
Napili ang tatlo mula sa halos 190 na aplikasyon mula sa 71 bansa na nagtunggalian sa tatlong kategorya ng parangal: Public Policy and Governance, Enterprises, at Non-Governmental Organizations. Ang 2019 UNWTO Awards for Enterprises ay napunta sa Community Impact by V Resorts, V Resorts (sa ilalim ng Bliss Inns Pvt. Ltd.), India.
“When we first started geotourism at Masungi, we hoped that guests would see something special in it like we did. Fast forward to today, the project is receiving its third international nod from no less than the United Nations World Tourism Organization (UNWTO),” pahayag ng Masungi Georeserve nitong Huwebes.
“Our wish came true, for the world to see something special in a piece of rock that was abandoned many years ago, and for the world to come together to protect it,” dagdag pa nito.
Kilala ang lugar para sa naggagandahang na mga limestone landscape at trails na nababalutan ng nagtataasang mga puno, na mahahanap sa Kilometer 47, Marcos Highway sa bayan ng Baras, Rizal.
Sa loob ng halos isang dekada, ang Masungi Georeserve Foundation ay napanatili at nagdagdag ng mga hakbang upang maprotektahan ang 2,700 ektarya mula sa quarrying at illegal logging.
Sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap sa kanilang pagsisikap na mapangalagaan, ang pagkilala ng United Nations ay ang magpapalakas sa kanila, aniya, upang resolbahin pa lalo at maprotektahan ang destinasyon.
“We will not, as we have not, shy away from facing the complex challenges in conservation and innovation in the Philippine setting. On behalf of the Masungi family, thank you for supporting us in your own different ways,” pahayag ng administrasyon ng Masungi. Nitong taon, ang conservation area ay naging nominado rin sa World Travel & Tourism Council’s Destination Stewardship Award.
PNA