SOBRANG impressed si Lea Salonga kay Jeirald Bantilan, a 10 year old boy from Zamboanga del Norte nang biritin ni bagets ang kantang Bakit Ako Mahihiya sa nakaraang Sabado night edition ng The Voice Kids Season 4 ng Kapamilya Network.

Ang kantang Bakit Ako Mahihiya ay same song na inawit ni Mitoy Yonting sa blind audition noon sa The Voice Of The Philippines.

Para sa kaalaman ng lahat, Yonting became the grand winner sa First Season ng TVOTP as part of Lea’s Team.

Kumbaga para sa ilang avid viewers ng The Voice Kids 4 ay tipong young version ni Yonting itong si Bantilan that made Coach Lea turned her chair sa nasabing Kiddo with matching broadway smile.

Boy Abunda, nagustuhan pahayag ni Anthony Jennings

Kinongratulate naman ni Coach Bamboo si bagets pero hindi pinaikot ang kanyang chair for Bantilan for his reason na….“Congratulations for the last seconds ay napaikot mo rin si Coach Sarah…ako, I just felt lang na kailangan mo pa ng time pero may narinig sa iyo… na something from you so yon, congrats, ha.”

Ang rason naman ni Coach Sarah ay…“ Jeiralddd ..( sa tonong pakanta ) hindi ko mapigilan na hindi umikot, eh. Kasi yung fighting spirit mo saka yung talagang gigil mo na yung passion mo talaga sa pagkanta ..sa pag-perform ..sa pagbibigay ng intense nang…nang magandang performance naramdaman ko talaga at hindi ko pupuwedeng balewalain yon. Yes, parang nagtutunog na parang matanda na nilalakihan mo yung boses mo na hindi naman kailangang gawin kasi para sa edad mo, batang bata ka pa, eh…pakiramdam ko hindi yon bagay pa para sa edad mo. Pero yung power ng boses nandiyan na sa iyo…nasa katawan mo na…nasa lalamunan mo na kumbaga kaya ako’y napaikot dahil na-amazed ako sa galing mo Jeirald.”

Na sinagot naman ni Jeirald nang… “Thank you po.” Kaya marami tuloy sa audience ang nagsigawan ng Sarah…Sarah…Sarah para ito ang piliin ni Jeirald para maging Coach niya but eventually, si Coach Lea ang kanyang pinili dahil huge fan daw siya nang dating Ms. Saigon Broadway Star.

Ang naging sey naman ni Coach Salonga ay….

“Hehehehe….tatawa lang ako kasi…alam ko yung kantang ito, eh. I know who sang it first for The Voice na si Mr. Mitoy Yonting …yun ang ginamit niya sa blind audition for The Voice of the Philippines Season one noon kaya siya naging grand champion. Pero ang nagustuhan ko sa rendition mo…kasi ibang-iba…hindi naman boses Mitoy kundi boses Jeirald ang ginamit mo. Ahhmmm, Oo, tama na hindi yata tama yun na dapat ibigay sa iyo ang isang kantang ganu’n para sa isang kabataan na tulad mo, ten years old, pero nagpakitang gilas ka, na nakaka-impressed so athletically so okay..that felt me, may lakas sa katawan itong batang ito na hindi madaling mapagod…hindi nawawalan ng stamina na puwede ko siyang ihagis sa final..so okay na yan…okay”.“I would like to work with somebody like you.” Dagdag pa ni Lea..

Kaya ang ending, sa FamiLea Team napabilang itong si Jeirald Bantilan. Guessing game na nga lang kung magiging another Mitoy siya sa grand finals ng The Voice Kids Season 4.

-Mercy Lejarde