LABANAN ng Team Europe vs The World ang pakaaabangan ng tennis fans sa pagpalo ng Laver Cup 2019 sa Setyembre 20-22.

RIVALRY? Sentro ng atensiyon sina McEnroe at Borg.

RIVALRY? Sentro ng atensiyon sina McEnroe
at Borg.

Hindi lamang ang mga tennis superstar ng kanilang henerasyon ang magbibigay ng kapanabikan sa race-to-13 tournament, bagkus ang muling paghaharap ng dalawang ‘Greatest of All Time’ sa tennis na sina Björn Borg at John McEnroe bilang mga coach ng magkabilang panig.

Tunay na ang Laver Cup at hindi lamang tunggalian ng Europe vs The Worls bagkus ang matagal nang rivalry sa pagitan nina Borg (Ice) at McEnroe (Fire).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kaakibat ng dalawa ang hindi malilimutang kasaysayan sa tennis.

ICE: Björn Borg: Sa kasalukuyan, moog sina Federer, Nadal, at Djokovic. Ngunit, kung ibabalik ang nakalipas, walang hihigit sa charisma ni Björn Borg.

Itinuturing isa sa ‘greatest tennis player’ ang Swedish star na may 11 Grand Slam title – limang Wimbledon at anim na French Open -- bukod sa hindi mabilang na world records.

Sa kabuuan ng kanyang career, tinaguriang ‘Ice Man’ o ‘Ice Borg’ ang tennis sensation bunsod ng kakaiba niyang istolo na maging kalmado anumang uri ng pressure ang kaganapan.

FIRE: John McEnroe: Taliwas ang katauhan ng American star na kilala bilang palaban at mainitin sa laban. Ngunit, sa kabila ng kanyang merkurlong istilo, hinahangaan ang kanyang galing at husay sa tennis court.

Sa kanyang kapanuhan, inabot ni McEnroe ang world rank No.1. Nakamit niya ang US Open title sa apat na pagkakataon, tatlong Wimbledon at may kabuuang 155 international title sa kabuuan ng career.

Tunay na kapana-panabika ng tagpo sa Laver Cup, ngunit hindi na kailangang pang lumayo. Mapapanood ang torneo sa live via FOX+!