UMULAN ng mga bituin ang ginanap na Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 Gabi ng Parangal na ginanap sa 1 Esplanade, Pasay City nitong Linggo ng gabi kaya naman ang saya-saya ni Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Dino dahil successful ang unang awards night ng ikatlong taon ng PPP.
Pinuri rin si Ice Seguerra bilang direktor ng nasabing event mula pa sa Sine Sandaan na ginanap naman sa New Frontier Theater nitong Setyembre 12.
Pinaghatian ng mga pelikulang Lola Igna, Panti Sisters, LSS at Watch Me Kill ang major awards sa PPP 2019. Ang mga nanalo ay ang mga sumusunod:
Best Picture – Lola Igna
Best Director – Tyrone Acierto (Watch Me Kill)
Best Actress – Angie Ferro (Lola Igna)
Best Actor – Martin del Rosario (The Panti Sisters)
Best Supporting Actress – Tuesday Vargas (LSS, Last Song Syndrome)
Best Supporting Actor – Gio Alvarez (I’m Ellenya L)
Best Screenplay – Eduardo Roy, Jr/Margarette Labrador (Lola Igna)
Best Editiong – Colorado Ruthledge (Watch Me Kill)
Best Cinematography – Marcin Szocinski (Watch Me Kill)
Best Production Design – Marxie Faolen Fadul (The Panti Sisters)
Best Original Song – Araw-Araw by Ben&Ben (LSS, Last Song Syndrome)
Best Musical Score – Andrew Florentino (Lola Igna)
Best Sound Design – Aurel Claro Bilbao/Arnel Labayo (LSS, Last Song Syndrome)
SPECIAL AWARDS:
Special Jury Award – LSS, Last Song Syndrome
Sine Kabataan Short Film – Kalakalaro (directed by Rodson Verr C. Suarez)
Audience Choice Award – The Panti Sisters (directed by Jun Robles Lana)
PISTAPP Audience Choice Award – LSS, Last Song Syndrome (directed by Jade Castro)
PISTAPP Sine Kabataan Audience Choice Award – Chok (directed by Richard Jeroui Salvadico/Apple Sweet Sumagaysay)
Wala namang nakuhang award ang mga pelikulang Circa, Open, Cuddle Weather at G.
Samantala, sa thank you speech ng nanalong best actress na si Ms. Angie ay nakiusap siyang panoorin ang Lola Igna.
Aniya, “Sayang naman ang best picture kung walang sinehang dagdag. Panoorin naman hindi kayo magsisisi. Panoorin lahat. May audience ba dito? O mga artist lang?
“Siguro, mag-ano tayo sa TV—invite everyone. Press, isulat ninyo, ha? Kasi, sayang naman, best picture, o?! Maraming salamat! Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Mabuhay ang mga artistang Pilipino!
“Mga kabataan, ipagpatuloy ninyo kayo ang pag-asa. Walang ano, ha? Hindi puwedeng papayag kayo na pag hindi maganda.
“Kailangang hubugin ang talino. Kahit kayo’y (may edad na) otsentay dos (82) na ako, ha? Ngayon lang ako naging leading lady sa pelikula.”
-REGGEE BONOAN