MAS pinili ni Angel Locsin na hindi dumalo sa katatapos na 2019 ABS-CBN Ball dahil ang gagastusin niya sa isusuot na gown, make-up at iba pa ay idi-diretso na lang niya sa Bantay Bata 163.

angel

Base sa Instagram post ni Angel hatinggabi ng Sabado habang nagkakasayahan ang kapwa personalidad at iba pang empleyado ng ABS-CBN sa Shangri-la, The Fort.

“I salute my friends at the ABS-CBN Ball who are doing their share to promote awareness on children’s rights and to help the beneficiaries of Bantay Bata 163 get the education that everyone deserves.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“As for me, I decided to do my share in a way that I could probably be more of use. I think it would be better for me to donate directly to Bantay Bata the amount that I’m supposed to spend in the ball. It’s not much, but will help make a difference to someone else’s life.“For those who would like to help a child to have a bright future, please donate to Bantay Bata 163.”#abscbnball2019

Maiksi lang ang mensaheng ito ng bida ng The General’s Daughter pero markado kaya naman umabot sa 52.4K ang nagkagusto at 1,568 naman ang halong positibo at negatibong komento.

Kilalang mahilig tumulong si Angel at galing ito sa sariling bulsa kaya naman marami ang hanga sa aktres dahil hindi siya nagbabago simula noong bago palang siya.

Samantala, paspasan na ang tapings ng The General’s Daughter sa nalalapit nitong pagtatapos sa Oktubre.

-Reggee Bonoan