Sa post ni Dingdong Dantes after ng interview ni Angel Jacob ng CNN Philippines kay Marian Rivera, mararamdaman ng mga nakabasa na very proud si Dingdong sa asawa. Sumali pa nga si Dingdong sa picture taking after ng interview.

Dingdong Dantes & Marian Rivera w Angel Jacob & CNN Phil staff

Post ni Dingdong: “This has got to be the best interview she’s ever had. It was such a pleasure to hear how my wife has grown into this courageous and passionate woman she is today. Catch her conversation with @angeljacob about show business, her passion for flowers, motherhood and her take on women empowerment.”

Mababasa ang sagot ni Marian na “salamat mahal . Love you.”

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Nagpasalamat din si Marian sa CNN Philippines at ang sabi, “Maraming salamat CNN Philippines for having me as one of your Leading Women. #airingOnOctober2.”

Anyway, sa presscon/launching ni Marian bilang endorser ng isang appliance, nabanggit na hindi siya makakasama kay Dingdong sa pagpunta nito sa Berlin para sa 2019 Berlin Marathon na naka-schedule sa September 29 dahil sa kanilang mga anak. Tatakbo si Dingdong for four hours at kailangan nga naman ng inspirasyon, pero naintindihan ni Dingdong kung di makakasama si Marian at ang dalawa nilang anak dahil alagain pa si Ziggy. Iwe-welcome na lang daw nila si Dingdong ‘pag balik with torotot and balloons.

Si Dingdong naman, habang hindi pa lumilipad for Berlin, tuloy ang taping ng Descendants of the Sun at may nakita kaming picture na nakalusob sila sa ilog nina Rocco Nacino, Prince Clemente at John Lucas. Si Lucho Ayala ang kumuha ng picture, kaya wala siya sa litrato

-Nitz Miralles