NO doubt, si Alden Richards ang pinakasikat na artista ng GMA Network ngayon. In hindsight, hindi lang sa bakuran ng Siyete dahil siya ang nangungunang lead actor ng local entertainment industry sa kasalukuyan.

alden

May hard evidence ito na mahirap pasubalian. Si Alden ang leading man ni Kathryn Bernardo sa Hello Love Goodbye na humablot sa box office record bilang highest grossing Filipino movie of all time. Kumita na ng almost P900 million ang pelikula nila.

Kaya sa pagbabagong-bihis ng Telebabad primetime block ng GMA, isa si Alden sa mga ibinabala ng network. Pagkatapos ng premiere telecast ng Beautiful Justice nitong nakaraang Lunes, ang The Gift na pinagbibidahan naman niya ang nakatakdang isalang sa susunod na Lunes, September 16.

Tsika at Intriga

Niligwak daw sa TNT: ABS-CBN, It's Showtime pinaratangang credit crabber dahil kay Sofronio

Ayon sa aktor, tiniyak ng GMA-7 na magugustuhan ng televiewers ang The Gift. Challenging ang papel na kanyang gagampanan, lalaking nabulag ang pisikal na mga mata pero nabuksan naman ang third eye.

Inspirational drama ang The Gift na lubhang kinakailangan sa panahong ito na pawang rants o galit ang namamayani lalo na sa social media.

Sumailalim si Alden sa blind immersion training para magampanan nang makatotohanan ang kanyang role.

“Sometimes we take things for granted, normal lang na nakakakita tayo but once na mawala siya, parang that really got me,” pahayag ng aktor. “Actually, nalungkot ako nang ma-experience ko kasi ang hirap mawalan ng paningin. After that immersion, I interviewed people who can see before sila nabulag and na-inspire ako sa kanila na tipong, ‘what can be my contributions to society now that I’m blind?’ Iyon ‘yong gusto kong mabaon ng mga manonood sa The Gift - bibigyan natin sila ng peek sa mundo ng mga taong hindi nakakakita para mas maintindihan natin sila.”

Sa istorya ng serye, kapag nahawakan niya ang isang tao, nakikita niya ang nangyari sa nakaraan at ang maaaring mangyari sa kinabukasan nito.

“Grabe rin ang budget ng GMA sa crowd scenes dito, ginastusan nila ang crowd scenes sa palengke where we use up to 250 extras,” sabi pa ng aktor.

Makakasama niya sa The Gift bilang mga magulang niya si Jean Garcia at si TJ Trinidad na maagang pumanaw. Nawala sa Quiapo ang batang Alden na nailigtas sa kidnapper ng manghuhulang si Elizabeth Oropesa, iniuwi sa bahay at itinuring na sariling anak ng daughter niyang si Jo Berry.

Sa pagkakawalay ng anak, ikakasal si Jean sa pulitikong ginagampanan ni Christian Vasquez, magkakaroon ng kapatid sa ina si Alden, ang salbaheng si Martin del Rosario na walang kaalam-alam na half-brother pala niya ang inaapi-aping si Alden at si Isabel Ortega.

Bilang vendor, makakasama ni Alden si Mikee Quintos na may lihim na pagmamahal sa kanya, at sina Victor Anastacio at Mikoy Morales bilang best friends niya.

Walang puwang sa puso ni Alden si Mikee dahil nakatuon ang pagtingin niya sa magandang anak ng mayamang store owner na si Chesca Diaz, ang beauty queen na si Thia Thomalia as the gorgeous daughter of a rich.

Kasama rin sa cast sina Betong Sumaya, Luz Valdez, Tetay at Rochelle Pangilinan, mula sa direksiyon ni Lord Alvin “LA” Madridejos na nagkuwentong lalabas pa ring authentic ang pagtitinda sa Divisoria ng mga bida niya kahit nahirapan ang crowd control dahil sa sobrang kasikatan ni Alden ngayon.

“The success of his movie made him so popular with the masses today,” kuwento ni Direk LA nang makaharap ng reporters sa media launch ng The Gift. “We know there will be a crowd to watch the shooting but we didn’t expect na gano’n karami ang taong darating. We had 20 policemen with us, 20 barangay tanods plus ‘yong security men pa ng GMA. Lahat sila walang nagawa sa tao kasi nilalabanan sila. Tinatanong sila, bakit, ano’ng gagawin n’yo sa amin?

“Si Alden naman, napaka-friendly sa fans, kahit binabawalan mo na, ayaw makinig. Mabait talaga at siya pa ang lumalapit. After several tries, we decided to quit. Tatlong beses kaming nag-attempt mag-shoot sa Divisoria, laging nauuwi sa pack-up dahil inuulan pa kami.”

Nagdesisyon ang production na gumawa na lang ng set sa isang warehouse.

“Ayaw sana naming dayain, but we have no choice but just get establishing shots of Divisoria sa drones then ‘yong ibang scenes, sa set na lang where we use hundreds of extras as the vendors and as the people na namimili sa palengke.”

-DINDO M. BALARES