NANANATILI pa rin ang Pilipinas sa may pinakamalakas na ekonomiya sa rehiyon ngayong taon at kumpiyansa ang Fitch ratings na mananatili ito dahil sa inaasahang 6.1 % na pagbawi sa ikalawang bahagi ng taon.
Sa isang ulat sa APAC Sovereign Credit Review para sa third quarter, ayon sa debt rater, ang bansa, na may investment grade rating na ‘BBB’ na may Stable outlook, inihayag ng Fitch Ratings na ang below-target output noong unang bahagi ng taon ay inaasahang bubuti na sa mga nalalabing mga buwan ng taon.
“The agency is maintaining its full-year 2019 growth forecast of 6.1 percent, continuing to place the Philippines among the region’s fastest growing economies,” ayon sa pahayag nitong Martes.
Noong unang kalahati ng taon, sa pagsukat ng gross domestic product (GDP), lumaki ito ng nasa 5.5 %, mas mababa sa target ng pamahalaan na 6%-7% full year target.
Iniuugnay ang mahinang output sa epekto ng pagkaantala ng pag-apruba sa national budget ngayong taon at sa mahinang panlabas na mga salik.
Makasasagabal ang negative external front sa lokal na pagpapalawak sa susunod na dalawang taon, na may inaasahang paglago na 6.3 porsiyento.
Nabanggit din ng Fitch Ratings ang mga humina ng mga panganib matapos ang kabuuang pagtaas na 175 basis points sa Bangko Sentral ng Pilipinas’ (BSP) key policy rates noong nakaraang taon.
Isinagawa ang pagtataas ng singil upang makatulong sa inflation expectations dulot ng tumataas na inflation dahil sa supply-side factors.
Umabot sa 6.7% ang inflation nitong Setyembre at Oktubre noong nakaraang taon, lampas sa itinakdang 2%-4% target band ng gobyerno.
Mula noon bahagya nang bumababa ang inflation at bumagal na sa 1.7% nitong Agosto.
Inaasahan ng Fitch Ratings na nasa 3.1% ang inflation average ngayong taon, na pasok sa 2%-4% target band ng gobyerno hanggang 2021.
PNA