NAIPOSTE ng Go for Gold-Air Force ang ikatlong sunod na panalo sa 2019 Spikers’ Turf Open Conference matapos padapain ang Easytrip , 25-21, 23-25, 25-17, 25-13, nitong Martes sa Paco Arena sa Manila.

Pinangunahan ang ikatlong sunod ng Jet Spikers sa Group B nina Ranran Abdilla at Fauzi Ismail na umiskor ng 17 at 12 puntos ayon sa pagkakasunod katuwang si

Jessie Lopez na nagtala ng 23 excellent sets atRikko Marmeto na tumapos na may 20 excellent digs at 15 receptions.

Sa iba pang mga laro, naitala naman ng University of Sto. Tomas at Volleyball Never Stops Volleyball Club ang kani-kanilang ikalawang panalo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pinangunahan ni Lorenz Señoron ang pagbangon ng Tiger Spikers mula sa dalawang sets na pagkakaiwan upang magapi ang back San Beda University Red Spikers, 23-25, 17-25, 25-15, 25-23, 15-10.

Nagposte ang 18-anyos na produkto ng UST High School ng 15 puntos, upang giyahan ang panalo ng koponan na nag-angat sa kanila sa markang 2-1 at naglaglag naman sa San Befa sa kartadang 0-2 sa Group D.

Nauna rito, namayani ang Griffins kontra Adamson University Falcons in five sets, 13-25, 26-24, 20-25, 25-15, 15-11 upang sumalo sa Cignal sa liderato ng Group A.

Nanguna si Jason Sarabia sa lahat ng scorers sa ipinoste nyang 18 puntos upang punuan ang VNS sa kanilang 2-0 start ngayong conference habang nahulog naman ang Falcons sa markang 2-2.

-Marivic Awitan