BLESSING sa bagong Kapuso star na si Thia Thomalla ang pagkasama niya bilang katambal ni Alden Richards sa new inspirational drama series ng GMA, ang The Gift.
Si Thia ay tinanghal na isa sa winners ng Miss World Philippines as Miss EcoPhilippines in 2017. At muli siyang nanalo ng title na Miss EcoInternational sa Miss World in 2018. Born of a German father and Filipina mother, sa Southern Leyte naninirahan ang parents niya, pero ang mga kapatid niya ay nasa Germany kaya nang mamatay ang brother niya of cancer, nagpunta sila ng mommy niya sa Germany. Hindi na nakasama ang father niya dahil at 78, hirap na itong mag-travel.
“Kaya getting this role in The Gift helped me pull myself out of the darkness after my brother’s passing,” sabi ni Thia. “I’m happy with this project kasi masasaya at mahuhusay ang mga co-actors ko. The truth is, in real life, I’m a comedian.”
Gumaganap daw siya bilang si Faith, ang Princess of Divisoria, anak siya ng mayamang fabric store owner doon, played by Cheska Diaz. So far, nakakatatlong taping days pa raw lamang siya at ini-enjoy na niya ang ginagawa niya.
Bilang katambal ni Alden Richards, ready na ba siyang ma-bash ng mga fans nito na ayaw na may katambal ang kanilang idolo?
Natawa si Thia, so far naman daw ay wala pa siyang nababasang bina-bash siya, pero kung meron man, okey lamang raw sa kanya, hindi raw naman niya mapipigilan ang mga fans, hindi na raw lamang niya babasahin, dagdag pa ni Thia.
Co-managed si Thia ng GMA Artist Center at ng ALV Management ni Arnold Vegafria. Also a Regal contract star, naghihintay raw lamang siya ng susunod niyang project sa kanila.
Ngayong darating na Lunes, September 16, ang world premiere ng The Gift.
-NORA V. CALDERON