NAIPUWERSA ng Caloocan Saints ang ‘winner-take-all’ nang mapigilan ang Binangonan Spartans, 95-83, sa Game 2 ng best-of-three championship series ng 2019 Community Basketball Association (CBA)-Pilipinas Next 18-Under tournament nitong Sabado sa Barangay Panapaan V covered court sa Bacoor, Cavite.
Tumapos si John Sheric Estrada na may 21 puntos para pangunahan ang Saints sa ‘do-or-die’ game sa community-based league na inorganisa ni CBA founding president Carlo Maceda, sa pakikipagtulungan ng TOPS (Tabloids Organization in Philippine Sports).
Nakatakda ang Game 3 sa Setyembre 15 sa Imus, Cavite.
Nag-ambag sa Saints, pinangangasiwan ni team manager Dr. Ernesto Jay Adalem at coach Mark Ballesteros sina Mark Drick Acosta na may 18 puntos, 10 rebounds at walong assists; habang kumana si Lieart Llaban ng 12 puntos at pitong rebounds.
Nanguna si Reynald Yante sa Binangonan sa natipang game-high 37 puntos. Nagwagi ang Spartans sa Game 1, 76-72, nitong Agosto 31.
Iskor:
Caloocan Saints (95) — Estrada 21, Acosta 18, Llaban 12, Rivera 10, Sumagaysay 10, Ricasio 9, Cruz 7, Dagatan 4, Mariono 2, Nieles 2.
Binangonan Spartans (83) — Yante 37, Villarin 16, Angeles 15, Pearson 4, Villaluna 4, Larayos 3, Dela Cruz 2, Teruel 2, Junio 0, Kiangan 0, Mechilina 0.
Quarterscores: 20-11, 46-29, 73-52, 95-83