PATULOY ang sinimulang programa ng Behrouz Elite Swimming Team sa grassroots sports.

‘DAB MOVE’! Masayang iminuwestra ng mga batang swimmer ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ang pamosong ‘dab’ kasama ang team manager na si Harold Mohammad Mojdeh sa pagtatapos ng 24th SSC Open Invitational Midget Meet sa Singapore Sports Club swimming pool

‘DAB MOVE’! Masayang iminuwestra ng mga batang swimmer ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ang pamosong ‘dab’ kasama ang team manager na si Harold Mohammad Mojdeh sa pagtatapos ng 24th SSC Open Invitational Midget Meet sa Singapore Sports Club swimming pool

Walong batang swimmer – apat na lalaki at apat na babae – ang isinabak at nakapag-uwi ng apat na medalya sa 24th SSC Open Invitational Midget Meet nitong weekend sa Singapore Sports Club swimming pool.

Hataw para sa podium finish ang girls team, sa pangunguna ni Palarong Pambansa qualifier Kiara Acierto, para sa silver medal sa mixed girls 100m medley relay sa tyempong isang minuto at 33.10 segundo. Kasama sa koponan sina Rita Dorotea Dimaandal, Bella Aaliyah Fano at Clara Maligat.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna rito, nakamit ni Acierto, pambato ng Dipolog City, ang isang silver at isang bronze medal sa girls’ 9-year division individual events. Naisumite ng Japan Invitational Swimming Championship Most Outstanding Swimmer awardee ang silver sa 25-meter freestyle (15.90) at bronze sa 50m butterfly (36.87).

Hataw naman si Dimaandal sa girls’ 7-year 25m breaststroke (27.62) para sa ikalawang bronze medal ng koponan sa torneo na nilahukan ng may 500 batang swimmers mula sa China, Japan, Myanmar, Malaysia at host Singapore.

“It’s still a great campaign. Our swimmers fought hard against strong rivals from powerhouse China and Singapore. Some of them are first timers in international competitions and they are lucky to swim side by side with some of the world’s best junior tankers from the Chinese squad,” pahayagni Harold Mohammad Mojdeh, head delegation at manager ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST).

Kasama rin sa koponan sina coach Elaine Babiera at Rossbenor Antay, e Behrouz Mohammad Mojdeh (boys’ 8-year), Hugh Alberto Parto (boys’ 9-year), Matthew Lopez (boys’ 9-year) at Winston Taggs (boys’ 7-year).

“We want to give them proper exposure as early as possible to let them experience competing at an international level. It’s totally different from our local tournaments in the Philippines in terms of competitiveness,” ayon kay Mojdeh.

-EDWIN ROLLON