TIWALA si Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella ‘Popoy’ Juico sa kampanya ng Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.
Iginiit ni Juico na nasa tamang kondisyon at halos nasa ‘peak’ na ang kahandaan ng mga atleta, sa pangunguna ni 2020 Tokyo Olympic-bound Pole vaulter Ernest John Obiena.
Ayon kay Juico, hindi bababa sa 13 gintong medalya ang target ng PATAFA na maiambag sa kampanya ng Philippine delegation na muling makamit ang overall title sa SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
“I used the world aspiring not targeting because that is what we have inculcated in our athletes’ minds from the time we form the national training pool and the moment they started training,” sambit ni Juico.
Nakatuon ang pansin sa 23-anyos na anak ni SEAG pole vault champion Emerson Obiena, matapos ang naitalang 5.81 meters para lagpasan ang Olympic standard na 5.80 meters.
“I told them if not a sin to dream, so we -might as well start dreaming winning 13 gold medals, baka nga ma-realize,” pahayag ni Juico sa kanyang pagbisita sa SCOOP.
“Based on our athletes’ latest performance , including that of last SEA Games’ results, where we won five gold medals, puwede ngang makuha yung 13 golds,” aniya.
Bukod kay Obiena, pambato rin sina Fil-Am hurdler Trenton Verona, decathlete Drios Toledo and marathoner Joan Tabal, pawang gold medalist sa 2017 SEAG sa Kuala Lumpur.
“Add EJ’s potential gold in pole vault this year, so, anim na. Plus that of Eric Cray’s in the sprint and Zion Nelson’s in the 400 meters. Kaya talaga,” aniya.
Ipinahayag ni Juico na isasabak ng Team Philippines sa SEAG ang 30 atleta.
Nakatakdang magsagawa ng Final tryouts ang PATAFA sa Setyembre 15-29 sa 20,000 New Clark City Stadium.