NAKIPAGHATIAN ng puntos si Batumi World Chess Olympiad veteran WIM Shania Mae Mendoza kay WIM Jan Jodilyn Fronda para mapanatili ang solong pangunguna matapos ang ika-walong round ng 2019 National Women’s Championship-Grand Finals nitong Linggo sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE) headquarters  sa Mindanao Ave., Project 6, Quezon City.

NAUWI sa draw ang duwelo nina WIM Shania mae Mendoza at WIM Jodilyn Fronda.

NAUWI sa draw ang duwelo nina WIM Shania mae Mendoza at WIM Jodilyn Fronda.

Matapos ang magkasunod na panalo kontra kina Rizalyn Jasmine Tejada at WGM Janelle Mae Frayna sa ikaanim at ikapitong round, ayon sa pagkakasunod, nauwi sa draw ang laban ni Mendoza kay Fronda tangan ang itim na piyesa para sa kalahating puntos na bentahe sa torneo.

Tangan ng 21-aanyos mula sa Far Eastern University ang apat na panalo at apat na draws may limang round pa ang nalalabi sa 13-round tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) bilang bahagi sa pagpili ng miyembro ng Team Philippines na isasabak sa World Chess Olympiad sa Aug. 1-15, 2020 sa Khanty-Mansiysk, Russia.

National

VP Sara, humingi ng pasensya sa mga ‘nai-stress’ sa kaniyang sitwasyon

Magkasalo sa ikalawa hanggang ikatlong puwesto na may 5.5 puntos sina Fronda at WIM  Kylen Joy Mordido, kalahatring puntos ang agwat kay Frayna.

Ginapi ni WIM Catherine Perena-Secopito si WCM Mira Mirano para sa five-way tie sa ika-apat hanggang ika-walong puwesto kasama sina Frayna,  Marie Antoinette San Diego,  WIM Mikee Charke Suede at WIM Bernadette Galas.

Nagtabla ang laro nina San Diego at Galas, habang nabigo si Suede kay Rizalyn Jasmine Tejada sa torneo na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pangangasiwa ni Chairman William “Butch” Ramirez.

Ayon kay Tournament director GM Jayson Gonzales, nakalaan ang P25,000 at tropeo sa magkakampeon.