SINIGURO ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kamakailan sa Kamara na tuloy-tuloy ang isinasagawang Manila Bay Rehabilitation Program, na inaasahang magiging ligtas nang paglanguyan sa pagtatapos ng taong ito.

Ito ang ibinahagi ni DENR Secretary Roy Cimatu sa presentasyon ng ahensiya ng mungkahi nitong P25.5 bilyon budget para 2020.

Nasa 16 porsiyentong mas mataas ang panukalang pondo ng ahensiya kumpara sa nakuha nitong P21.959 bilyon para ngayong 2019.

Kabilang sa pangunahing proyekto na paglalaanan ng pondo ng ahensiya ang Manila Bay Rehabilitation, na may nakalaang P1.5 bilyon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nabanggit sa pagdinig ang rehabilitasyon ng Manila Bay matapos matanong ni House Minority Leader at Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr., kung ano na ang nangyayari sa tinaguriang “Battle for Manila Bay.”

Ibinahagi naman ni Environment Undersecretary Juan Miguel Cuna na kasalukuyang nasa unang bahagi na ang Manila Bay rehabilitation, na nakatuon sa paglilinis at monitoring ng kalidad ng tubig sa look.

Ayon pa kay Cimatu, patuloy pa rin ang idinadaos na “weekly cleanup” na mandato ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng mga barangay.

“We are strictly are monitoring the compliance to this directive along with DILG,” paliwanag ni Cuna sa mga mambabatas.

Mahigpit din, aniyang nakikipag-ugnayan ang DENR sa Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) para masiguro ang pagsunod sa sewage treatment facilities ng mga establisyamento.

“Since the Battle for Manila Bay was launched last January 27, we have witnessed a lot of improvement in terms of solid waste that we see floating in the bay,” ani Cuna.

“We inspect all esteros flowing to Manila Bay. In fact the Secretary assigned particular undersecretaries, assistant secretaries, and directors to oversee particular rivers and esteros, and we have been coordinating with the barangays and other agencies to ensure that they are clean and to stop the loading of the pollution primarily,”dagdag pa ng opisyal.

Sa kasalukuyan, nakapaglabas na ang ahensiya ng 1,572 Notice of Violations sa mga hindi sumusunod na mga establisyamento at nakakolekta ng nasa 1.6 million kilo ng basura mula sa mga cleanup activity.

Nakapagmobilisa na rin ito ng nasa 48,661 volunteer at natukoy ang nasa 34,000 informal settler na naninirahan sa paligid ng look na nakatakdang ilipat ng tirahan.

PNA