KASAMA si Enchong Dee sa cast ng Circa, isa sa entry sa 3rd Pista ng Pelikulang

MS. ANITA & ENCHONG

Pilipino na tampok si Ms. Anita Linda. Sa mediacon ng movie sa direction ni Adolf Alix, Jr., inamin ni Enchong na na-intimidate at na-starstuck siya sa mga kasama sa pelikula. Bukod kasi kay Ms. Anita, nasa cast din sina Gina Alajar, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, Perla Bautista, Ricky Davao at director Laurice Guillen.

Kinondisyon lang daw niya ang sarili na ‘wag magpa-intimidate forever dahil baka hindi siya makaarte ng tama. Siya pa naman ang gumanap sa role ni Michael, ang apo ni Doña Atang (Ms. Anita), kaya ang veteran actress ang madalas niyang kaeksena.

Tsika at Intriga

'Comedy Queen' title kay Eugene Domingo, umani ng reaksiyon

“Ang laking pasasalamat ko sa bumubuo nitong pelikulang ‘to. Kung maaari ko kayong imbithan sa @pistangpelikulangpilipino sana mabigyan nyo ng oras at suporta ang lahat ng pelikula ngayong taon, as we celebrate the 100th year of Philippine Movie Industry... we share to you a masterpiece of @aalixjr #Circa. Salamat sa tiwala.”

Ako si Michael, gusto maging director. Meron request sakin si Lola para sa 100th Birthday niya. Invited ka ah...#Circa ngayong September 13-19. Salamat ah,” patuloy ni Enchong.

Samantala, nag-sorry si Enchong sa tourism board ng Marinduque dahil sa isa niyang interview, nabanggit na sa Marinduque siya nagkaroon ng allergic reaction nang maligo sa dagat. Sa Oriental Mindoro naman pala nagka-allergy si Enchong nang maligo sa dagat. “I just want to apologize for my misinformation because in my statement, I incorrectly mentioned Marinduque instead of Oriental Mindoro, where the mining company was closed in response to the destruction of the marine life in that city.

It’s actually Oriental Mindoro, and I just want to apologize to the Tourism Board of Marinduque. Marinduque is a beautiful place,” pahayag ni Enchong.

-Nitz Miralles