ANG 9 years old na si Vera Jagape ay nanggaling pa sa Davao City hindi lang para makakanta at makatungtong sa stage ng The Voice Kids 4 blind audition nito lang nakaraang Sabado night, September 7, but with a certain goal in mind – to make her singing idol Lea Salonga turn her chair for her.
Bumirit itong si Vera to the highest level ng cover song niyang The Greatest Love Of All with feelings.
And presto, Lea as Vera wishes, turn her chair for her. But sad to say, tanging si coach Lea lang ang gumawa nito para sa kanya.
Sina Coach Sarah Geronimo at Coach Bamboo didn’t turn their chairs for Vera na ang feeling ng dalawang coach ay siguro raw hindi pa ready ang bagets for the competition ng TVK 4 blind audition na salungat sa gut feeling ni coach Lea.
“Sorry, hindi ako umikot. Ahhh, pakiramdam ko lang, kailangan mo pa ng more time pero with coach Lea, hindi na uso ang time time na yan, hahaha!”
Natawa rin si coah Lea sabay sabing… “Hindi uso, ganu’n, hahaha!”“ She will make magic with you.” Dagdag na sabi pa ni Coach Sarah kay Vera Jagape.
“Pretty much, pareho kami ni Coach Sarah na nag-isip na ..I thought as well na…konting oras pa Vera, pero napaikot mo si coach Lea and it’s pretty cool.” Lahad naman ni coach Bamboo.
Sa ngayon naman kay Coach Lea, sobrang na-impressed siya kay Jagape and even added… “because she “sang” the high notes rather than shout them. She also made it appear like she was belting them out effortlessly.
“I felt like I had to turn because you deserve a shot.” Na labis na ikinatuwa nitong si Vera dahil nga nanggaling ang mga nasabing papuri sa kanya ng kanyang idol or Lodi sa wika ng mga belong sa millennial generation na tulad nga nitong si Vera Jagape.
So sabi nga ni Toni Gonzaga as one of the hosts ng The Voice Kids Season 4 together with Robi Domingo…. “Keep on watching The Voice Kids Philippines Season 4!”
Oo nga naman, dahil sa era natin ngayon ay maraming bagets age 12 below ang nagnanais na maging artista, dancer at singer all rolled into one sa ating showbiz world kaya halos pulos bagets ang nakikita naming madalas sa mga VTR auditions at pila-pila sila mereseng maghintay nang matagal na hindi alintana ang gutom at ngalay sa pagpila sa totoo lang.
-Mercy Lejarde