NAKAGAWA ang pamahalaang lokal ng Arteche, Eastern Samar ng mahigit sa 21,000 eco-bricks mula sa kinolektang plastik sa pamamagitan ng kanilang recycling program na dalawang taon ng ipinatupad.
Inihayag ni Mayor Roland Boie Evardone sa isang panayam sa telepono nitong Miyerkules na naging kultura na ng bawat estudyante ang pagkolekta ng plastik sa kanilang bayan.
“I’m happy that teachers and parents are supportive of this program as they require children to collect plastics and convert it into eco-bricks,” pahayag nito.
Ang isang eco-brick ay isang plastic bottle na nilagyan ng basurang plastik upang magkalaman. Nakakabuo ito ng mga modular furniture, garden spaces at mga gusali tulad ng mga paaralan at bahay.
Halos 5,000 kilo ng nakolekta at ni-recycle na plastik ang katumbas na bigat ng lahat ng eco-brick na muling nagamit sa kapakipakinabang na bagay ng mga residente.
Inilunsad noong 2018 ang programa, ay ang proyekto ng pamahalaang lokal para sa kampanya para sa malinis at malusog na kapaligiran. Ang inisyatibo ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na makiisa sa pagpapalit ng nmakolektang basura para sa school supplies.
“The program designed to give school supplies to children has been going on for several years already. But when I entered into office, I wanted to implement a program that is not doled out,” pag-aalaala ni Everdone.
“So I said that we should give the school supplies to children, but they must collect plastics waste in exchange of rewards,” dagdag pa nito.
Ang mga palitan ay school supplies para sa 10 eco-bricks, isang school bag para sa 15 eco-bricks. Makakatanggap naman ng payong o kapote ang may 20 eco-brick
Para naman sa mga makokolektang eco-brick sa campus, ibibigay ang school supplies sa mga guro at sa mga estudyanteng walang kakayanang bumili ng gamit sa paaralan.
Ang mga nakolektang eco-bricks ay ipapamahagi sa local government papunta sa mga pamayanan upang gumawa ng Material Recovery Facilities (MRF), welcome signage sa mga pamayanan at paggawa ng dog pound facility.
Malapit ng matapos ang paggawa ng dog pound at malapit ng magbukas upang masiguro ang zero rabies sa lokalidad.
Nilinaw ni Evardone na ang kanyang administrasyonay walang intesyong kumuha ng pagkilala mula sa mga environmental advocates. “The ultimate goal is to give social services to the people by innovating despite budget constraints,” pahayag nito.
Inilahad ni mayor sa Philippine News Agency (PNA) na bukas ang bayan para sa ibang mga lokal na pamahalaan upang matutunan at gayahin ang kanilang proyekto.
Ang Arteche, na nasa 205 kilometro sa hilagang-silangan ng Tacloban City, ay isang third-class na bayan sa Eastern Samar na may populasyong kulang-kulang 16,000.
PNA